
Dapat valid at hindi expired ang ipapasang lisensya

Siguraduhing malinaw at valid ang isusumiteng OR at CR. Kung hindi nakapangalan sa’yo ang sasakyan, magpakitang patunay na pinapayagan kang gamitin ito para sa Lalamove.

Siguraduhing kita ang plate number sa litrato ng sasakyan (likod at gilid), at siguraduhing tugma ang mga detalye na nakasaad sa OR at CR.

Dapat magkatugma ang pangalan sa Deed of Sale at sa Certificate of Registration(CR) ng sasakyan. Kung ikaw ay 2nd o 3rd owner, siguraduhing ma-upload ang lahat ng kopya ng Deed of Sale.

Magpasa ng alinman sa NBI o Police Clearance sa loob ng 14 araw ng application.

Kung walang Deed of Sale, magpasa ng Letter of Authorization (LOA) na may kasamang ID at pirma ng may-ari ng sasakyan. Siguraduhing tugma ang pangalan ng owner sa LOA at sa Certificate of Registration(CR) ng sasakyan.